Nasaan ang Pera ng Bayan?

Published September 22, 2025


"Katarungan at pananagutan sa perang ninakaw sa bayan, sigaw ng mamamayan sa lansagan."

"Nasaan ang Pera ng Bayan?" Isa ito sa mga tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isipan ng maraming Pilipino. Isang hinaing na unti-unti nang naging panawagan:

Saan nga ba napupunta ang buwis na pinaghihirapan ng mga manggagawa?

Sa likod ng tanong ay ang pagod, galit, at panghihinayang ng sambayanang sawang-sawa na sa katiwalian, sa mga pangakong napapako, pag-abuso sa kapangyarihan, at sa sistemang tila palaging kumakalinga sa mga nasa kapangyarihan.
Ngayon, bilang tugon sa panawagan ng bayan, kabahagi ang HGBaquiran College sa paninindigang panagutin ang mga tiwaling opisyal at ituwid ang paggamit ng pera ng taumbayan. Naniniwala ang institusyon na ang bawat pisong buwis ng mamamayan ay nararapat mapunta sa edukasyon, serbisyong panlipunan, at mga proyektong tunay na makikinabang ang sambayanan.
Sa pamamagitan ng sama-samang tinig ng mga guro, mag-aaral, at kawani, ipinapakita ang matatag na paninindigan na ang laban kontra korupsyon ay hindi lamang laban ng iilan, kundi laban ng buong sambayanan.

Kaya sa harap ng bawat pisong nawawala, sa likod bawat proyektong hindi natatapos, at sa gitna ng patuloy, paulit-ulit at lumalalim na pagkadismaya ng mamamayan, naninindigan kami. Hindi kami mananahimik. Hindi kami tatalikod. Dahil ang buwis ng mga Pilipino ay hindi para sa bulsa ng iilan, kundi para sa kapakanan ng lahat. Sa laban kontra korupsyon, malinaw ang panig ng bayan — panagutin ang dapat panagutin. At sa laban kontra katiwalian, kami ang tinig, kami ang sigaw, kami ang BAYAN.


Preview: Transparency Article

Related Article

What You Need to Know About Tertiary Education Subsidy Program

Republic Act 10931, designed to make higher education accessible to all Filipino students.




The Honor Publication: Official Facebook Page